Thursday, January 12, 2006

Malungkot na Balita

paano ko nga ba ikukuwento ito? hmm... actually, its not my story but someone close to me. I sympathize with her.well, im telling this story because it strucked me.naglalakad ako pauwi.katatapos lang ng klase namin ng makita ko yung kaibigan ko. tinawag niya ko. binibiro ko pa nga. pero sa itsura niya mukhang lungkot na lungkot siya na hindi naman yun ang usual niya. naupo kami sa isang tabi, sinabi niya sa akin na namatay na ang lola niya. tapos nun bigla na lang siyang nagiiyak. tuesday pa daw namatay pero nalaman niya ngayung thursday lang. nadulas daw nagkafracture at walang nag asikaso. close siya sa lola niya na yun kaya ganun na lang ang lungkot niya. masakit yun. wala akong maipayo sa kanya pero alam ko yung lungkot na nararamdaman niya. nasabi niya pa na ayaw niyang tumanda at mamatay ng wala man lang nag aasikaso sa kanya. narealize ko oo nga. ayoko din na maranasan ko ang ganun. na ang sarili mong pamilya walang pakialam sa yo at hahayaan ka na lang mamatay sa isang tabi. nalungkot ako para sa kanya.dahil alam kong sobrang pagmamalasakit at pag aalaga ang ibinigay niya para sa lola niya.ang unfair ng buhay di ba? hindi man lubusang masaya ang lola niya nung namatay, alam ko kahit papaano natuwa din ang lola niya sa kanya sa mga sakripisyong ginawa niya. hmm... what's the story behind kung bakit may mga taong walang pakialam sa mga magulang nila lalo na kapag matanda at alagain na? hindi ko alam..at sadyang malungkot..

No comments: