Thursday, January 05, 2006
Class with a bang!
this day actually was a little bit boring, nung umpisa. the usual thing. boring lectures sa surgery.hay.. for two hours nakaupo ka, trying to understand all what the doctor's saying.feeling ko nga alien ang kaharap ko at hindi ko siya maintindihan pero dapat intindihin. hehe ang topic namin ay tungkol sa burns. ewan ko, but surgery really doesnt interest me at all. hmm.. looking forward ako sa lunch.hehe kaya scribble scribble kahit pahapyaw lang ang intindi ko sa mga sinasabi ni doc.finally, surgery was over! hahaha lunch na!at ang sarap ng ulam namin, sinigang na hipon! sarap! then, next class ko at 1 pm pero dumating kami almost 2 pm na. hehe eto na isa din sa mga mahirap intindihin na subject, family medicine. sakto lang ang dating namin ng mga classmates ko pag pasok ni dr. joves. pinuwesto ko ang sarili ko sa mejo gilid at likod ng classroom.my usual seat para walang makapansin sa kin. hehe... akala ko boring,at inaantok pa nga ako pero ng nagsalita na si doc na parang may nagaaway sa loob ng classroom namin nawala ang antok ko! wala pang mic un, paano pa kaya kapag meron. nabasag nga yata eardrum ko eh. hehe 1 pm to 6pm ang klase namin sa kanya! wahaha... kaya pala napansin ko lahat ng tao mejo nasa likod dahil siya ang professor. all throughout his lecture naging tachycardic ako. nakalulon yata siya ng megaphone.hehe natuwa na rin ako kahit ang heart rate ko yata eh sumampa ng 100 beats per minute. :) nagtatanong nga yung mga tao sa labas ng room namin bakit may sumisigaw daw sa loob, sabi namin si doc joves naglelecture. natawa na lang sila. at sinabing its now our time para maranasan ang madagundong na buhay sa likod ng family medicine. hahaha lesson learned, kapag siya ang prof magdala ng ear plugs!!! wahahaha... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment