Wednesday, January 11, 2006
Blood Donation
well, may mass blood letting sa school ngayong araw na to. ayun, excited pa naman ako dahil gusto kong mag donate ng blood.ever sa tagal ko ng nagdodonate ng blood ngayon lang ako nadeferred. hay... eto ang kwento. eh di after ng shifting exam namin sa pharma eh pumunta na kami sa may lobby at nag fill up ng form. since my klase pa ko ng 1 pm kaya hindi pa ako na physical exam.after ng klase ko balik ulit kami dun, yung kasama ko eh natanggap na at ibbleed na siya. so pila naman ako ulit at ng pa physical exam sa mga mababait na pgi ng feu hospital. hehehe so tapos na ang first step. screening na lang. eh may klase pa ko ulit hanggang 5pm. so after nun, eto na screening na lang at pwede na akong ibleed. alam ko naman sa sarili ko na ok ako kasi lagi nga akong nagdodonate kapag may mass blood letting sa school. siempre kampante ako.. eto na yung med tech intern at tinusok ako sa daliri para kuhanin ang hemoglobin ko. hay... ipinatak sa copper sulfate at tiningan kung lulubog ang dugo, indication ok ang hgb at fit ka para magdonate. to my surprise, shets! mabagal bumaba ng hgb ko sa lintik na copper sulfate na yan. akala ko ok pa rin yun at sasabihin sa akin ng intern na "ate, hintayin mo na lang tawagin ka para ibleed." so, nagexpect ako di ba? hehehe at ang sabi ng intern, ate, hindi ka pwedeng magdonate! wahahaha! ngayon lang ako nadeferred sa blood donation! hay naku... at talaga naman, binigyan pa ko ng ferrous gluconate. meaning anemic ako? hay... nadisappoint talaga ako... pero ganun talaga.. dahil sa lintik na copper sulfate na yan, hindi ko matanggap... hehehe buong maghapon silang nagscreen, malay ko ba kung pinalitan nila yung solution na yun... hehehe bitter talaga noh? pati yun gustong iblame dahil sa pagkadeferred... actually, may bonus yun para sa pathology.pero main purpose ko talaga kahit wala yung bonus na yun magdodonate pa rin ako kasi may magandang pupuntahan naman yun eh... hehehe totoo yun. sa mga dialysis patients kasi mapupunta yun. :) hay...yun lang ang kwento ko ngayon..:)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
di pa ko nakakapag donate ng dugo.. gusto ko nga matry yan minsan eh.. =) di ko lang alam kung pwede ako.. nung minsan kasi meron sana d2 sa office na donate ng dugo kaso nung time na yun umiinom ako ng gamot para sa sipon.. kaya di ako pinayagan.. =)
Post a Comment